Rosas at Harana, Handog ng Lucena PNP sa Publiko ngayong Valentine’s Day
Sa pamamagitan ng harana at pagbibigay ng mga pulang rosas ipinadama ng Lucena PNP ang kanilang pagmamahal sa publiko ngayong pagdiriwang ng araw ng mga puso.
Ngayong Valentine’s Day namahagi ng mga pulang rosas ang ilang Police Personnel ng Lucena City Police Station sa mga tao sa place of convergence ng Lungsod gaya ng pampublikong pamilihan at mall na ayon sa kanilang hepe na si PLt.Col Erickson Roranes layunin nilang magpaligaya at magbigay ngiti sa publiko ngayong araw ng mga puso.
Ayon sa ilang nabigyan ng rosas bwena mano raw ang kapulisan na nagbigay ng bulaklak sa kanila ngayon araw ng mga puso, umaga palang naramdaman na raw nila ang Valentine’s.
Pasado alas 7:00 ng umaga February 14, 2023, Valentine’s Day sa Lucena City Public Market nagsimula silang magpadama ng pag-ibig para sa lahat, ang ginawang harana sa pamilihan dinumog ng mga tao, ang mga bulaklak ay kinakiligan ng mga nabigyan.
Matapos dito, sa harap ng isang mall naman ng syudad tumungo upang dito iparadam ang Valentine’s Spirit. Si Melinda kasama ng kanyang foreigner partner habang nag-aanty ng pagbubukas ng gusali pinakilig ng lovesong music sa haranang handog ng kapulisan, tumangap din siya ng bulaklak, sabi nya tila napaaga ang date nila.
Sa mga bulalak na natanggap at awiting narinig mula sa kapulisan, umaga palang daw ramdam na daw nila ang esperitu ng pag-ibig.
Ang handog na ito Lucena PNP ngayong araw ng mga puso, ay taon-taon na ginagawa.
Samantala hindi lang mamayan ng Lucena City ang nabigyan ng rosas at naalayan ng love song, maging mga babaeng Police at non uniform Police ng himpilan ay hinandugan din nito, mismong ang hepe ng Lucena City Police Station ang isa-isang nag abot ng bulaklak na may kasamang sayaw sa saliw ng awitin na kinanta mismo ng kanilang miyembro.