News

Day Care Workers ng Lalawigan ng Batangas nagtipon-tipon para sa Child Development Workers’ Day Celebration

Inipon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang mahigit isang libo’t isang daang Day Care workers nito upang ipagdiwang ang Child Development Workers’ Day Celebration kamakailan. Ang pagtitipon ngayong taon ay may temang “Sa Dekalidad na Child Development Worker, Bata ang Panalo.” Isinusulong sa assembly, na pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office, ang pagpapaganap ng Early Childhood Care and Development Program sa mga day care centers sa lalawigan. Pangunahing layunin ng Early Chilhood Care Program ang health, nutrition, early education and social services program na makakapagbigay sa mga bata ng optimum growth and development. Kabilang dito ang physical, cognitive, emotional, social at spiritual growth ng mga kabataan.

Sa paglinang ng mga aspeto ng pagpapalaki, inihahanda ng mga childhood development workers ang mga bata sa pamamagitan ng “learning while playing” ng mga complex task, tulad ng mga numero and language abilities ganun din ang physical skills. Sa oras na ang mga ito ay makumpleto, inaasahan na ang mga bata ay handa na para harapin ang hamon sa pagtungtong nila ng elementary education.

Pin It on Pinterest