News

Deed of Donation sa pagtatayo ng paaralan sa Don Victor Ville, nalagdaan na

Posible nang magkaroon ng isang eskwelahan sa Don Victor Ville sa bahagi ng Silangang Mayao sa Lucena City matapos na raw na pormal na lagdaan noong nakaraang February 16, 2022 ang isang deed of donation para sa Department of Education upang makapagtayo ng isang paraalan sa loob ng naturang subdivision.

Isa lang ‘yan sa 7 Socialize Housing Project na pinagsikapan ng Urban Poor Affairs Division (UPAD) na kanilang inulat sa naging flag-raising ceremony, umaga ng November 21, 2022.

Sa harap ng mga kawani at opisyal ng lokal na pamahalaan, sinabi ni Ms. Miled Ibias, ang namumuno ngayon sa UPAD ng pamahalaang lokal ng Lucena City, sa mahigit na 9 ektayang na kinatatayuan ng Don Victor Ville Phase 2, pangarap ng kanilang tanggapan at ng lokal na pamahalaan na magtayo dito ng National High School.

“Nitong nakaraang February 16, 2022 pormal na pinirmahan ang isang deed of donation para sa Department of Education upang makapagtayo ng isang national high school sa loob ng subdivision,” sabi ni Miled Ibias ng UPAD.

Ang Don Victor Ville Subdivission ay Housing Project ng Lucena LGU na itinayo sa panahon ng noo’y Alklade at ngayon ay Bise Alkalde ng Lucena City Roderick Alcala para sa mga government employee at mga jeepney driver ng siyudad sa murang halaga.

Sa ulat ni Ibias, ongoing ang konstrukyon ng mga bahay ng Don Victor Ville Phase 1 na may kabuuang limang ektarya. Mayroon na dito 273 na naitayong bahay sa ilalim ng PAG-IBIG Fund Hosing Loan as of 2021. Magtatayo pa rito ngayong taon ng 70 mga bahay.

Isa ito sa ipinagmamalakaking housing project ng Lucena LGU at pangarap na maging ganap na isang komunidad gaya ng pagkakaroon ng eskwelahan at iba pasilidad para sa mga naninirahan.

Pin It on Pinterest