News

Dialysis center, binuksan sa isang ospital sa Lopez, Quezon

Hindi na mahihirapan pang pumunta ng mga ospital na may dialysis center ang mga pasyente sa Lopez, Quezon at mga kalapit na bayan na kailangang sumailalim sa dialysis.

Sa isang ospital sa nasabing bayan, mayroon nang dialysis center.

Isinagawa nitong araw ng Lunes kasabay ng Araw ng Kalayaan ang pagbabasbas ng bagong dialysis center ng Magsaysay Memorial District Hospital sa bayan ng Lopez, Quezon.

Ang aktibidad at ribbon cutting ay pinangunahan ni Quezon Governor Helen Tan kasama sina 4th District Congressman Mike Tan, 4th Dist. Board Member Harold Butardo, Mayor Racher Ubana, Sangguninag Bayan Members ng Lopez at mga Kawani ng Magsaysay Memorial District Hospital.

Sa pamamagitan raw ng bagong pasilidad, marami sa mga kalalawigan anila mula sa ika-apat na distrito ang hindi na lalayo para magpa-hemodialysis at makatutulong din upang mapahaba ang buhay ng mga Quezonian na nangangailangan ng agarang serbisyong medikal.

Tinanggap din ng ospital ang isang Mobile Clinic mula sa Rotary Club of Lopez at Water Purifier Station mula naman sa Rotary Club of Lopez at Alabang-Daang Hari.

Kung mababatid, mayroong commitment ang kasalukuyang administrasyon ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon na aayusin nito ang health sector sa buong lalawigan.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang pagsasaayos ng Quezon Medical Center at pagdadagdag ng mga bagong pasilidad para sa mga pasyente at sa iba’t ibang bayan din ng lalawigan katulad ng Lopez.

Pin It on Pinterest