News

Tayabas LGU May Laban sa Seal of Good Local Governance

Potential winner o may laban ang Lungsod ng Tayabas sa Seal of Good Local Governce (SGLG) base umano ‘yan sa DILG Regional assessment team.

Magandang balita ito at ikinalugod umano ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang pahayag ng DILG Regional Assessment Team sa pagiging “potential winner” ng Lungsod ng Tayabas sa isinasagawang validation ng Seal of Good Local Governance o SGLG. Ayon sa kanila, ang Lungsod ng Tayabas ay may laban umano.

June 13, 2023 nang dumating sa Lungsod ng Tayabas ang bumubuo ng Regional Assessment Team.

Matapos ang maikling courtesy meeting kay Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa kanyang tanggapan sa New Tayabas City Hall ay agad na sinimulan ng Assessment Team kasama ang mga kinatawan ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas ang On-Site Validation ng ilang mga istruktura at pasilidad kabilang ang DRRMO Operations Center, Colegio De La Ciudad de Tayabas, Senior Citizens Building, Full Disclosure Policy Boards na matatagpuan sa Old City Hall, St. Michael Minor Basilica at Tayabas Public Market, Bayanihan Isolation Facility (Evacuation Center) sa Barangay Mateuna, Teen Center sa BHS Ilasan at Sanitary Landfill-Ecopark.

Kabilang din sa mga ininspeksyon ang mga ramps, handrails, comfort rooms partikular ang dedicated CR for PWDs na ayon sa itinatakda ng Batas Pambansa.

Matapos ang on-site validation ay isinagawa ang Table Assessment alinsunod sa 10 Governance Areas na binubuo ng financial administration, disaster preparedness, social protection and sensitivity programs, safety, peace and order, business-friendliness and competitiveness, environmental management, tourism, heritage development, culture and arts, programs for sustainable education, health compliance and responsiveness, and youth development.

Natapos ang assessment/validation sa paglalahad ng feedback on findings and recommendations buhat sa Regional Assessment Team na magiging tuntungan ng Lokal na Pamahalaan para sa patuloy na pagsasaayos at pagtutugma sa mga programa, proyekto at aktibidad na naaayon sa hangarin ng pamahalaan na makapagbigay ng de-kalidad at kapaki-pakinabang na serbisyo sa mamamayan.

Ang feedback ay ikinalugod ng alkalde.

Ang Office of the City Planning and Development Coordinator ang nanguna sa ginawang SGLG Assessment/Validation kasama ang iba’t-ibang tanggapan ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas.

Pin It on Pinterest