News

DLL, Nagtala ng 88.24% Passing Rate sa LET at 100% sa Social Worker Boards

Nakapagtala ang Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena ng 88.24 % passing rate sa katatapos lamang na licensure examination for tearchers secondary level nitong Enero, batay sa inilabas na resulta ng Professional Regulation Commission (PRC).

Sa 17 na nagmula sa DLL na sumailalim sa naturang pagsusulit, 15 dito ang nakapasa. May kabuuang 22, 454 ang kumuha ng board exam para sa mga guro sa sekondarya at 53.77% ang matagumpay na pumasa.

Samantala, kasama si Apple Agoncillo sa mga nakapasa sa February 2022 licensure examination for social worker upang makuha ng DLL ang 100% passing rate. Ayon sa PRC, 533 ang pumasa sa pagsusulit sa kabuuang 1,211 na kumuha.

Sa panayam ng programang ‘Usapang Tapat ni Manong Nick’, sinabi ni Ryan Alemania, Faculty President ng DLL na ang tagumpay na ito ng dalubhasaan ay dulot ng walang sawang suporta ng chairman nito na si Lucena City Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala. Aniya, personal na pinili ni Mayor Alcala ang mga magtuturo sa dalubhasaan at sinisigurong ito ang pinakamagagaling sa larangan.

“Personal n’ya pong pinipili ang mga professor na nagtuturo sa dalawang kurso na ito. Hindi po s’ya pumapayag na hindi dumadaan sa kanyang pagsusuri ang lahat ng mga nagtuturo dito,” saad ni Alemania.

Pin It on Pinterest