DLL,TFRO magbibigay ng dagdag kasanayan sa mga kasapi ng TODA
“Sa Lucena, Skilled Ka” – Kasanayang Tekbok para sa TODA 2025 –
‘Yan ang bagong partnership program ng Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena o DLL at City Tricycle Franchising and Regulatory Office o TFRO para sa mga kwalipikadong trike drivers ng siyudad.
Matuturuan ng mga libreng technical-vocational skills tulad ng welding, auto-mechanical, auto electrical installation, electronic repair, refrigerator and airconditiong services at iba pa ang mga kasapi ng TODA na interesado sa naturang programa.
Magtatagal ang enrolment hanggang Enero 24. Para sa mga interado magtungo lamang sa DLL LMSTC at hanapin si Ms. Perla Cabangon. Magdala lamang ng dalawang 1×1 photo, Voters ID, Yellow Card, o kahit anong government-issued ID.
Idadaos ang training tuwing weekend na magsisimula sa Pebrero at magtatapos naman sa Abril.