Sariaya, pinagharian ang Palarong Quezon 2025
Naghari ang mga Sariayahin sa idinaos na Palarong Quezon 2025 at itinanghal na overall champion matapos makasungkit ng 66 gintong medalya, 62 na pilak, at 56 na tanso, sa pinagsama-samang regular sports ng Elementary at High school level, Alternative Learning System (ALS), Special Needs Education (SNED), at Demo Sports.
Pinakamaraming nakahot ang munisipalidad sa regular sports ng elementary at secondary category kung saan nagmula rito ang 56 sa kanilang 66 na gintong medalya.
Ilan sa mga dinomina nilang sporting events ang volleyball, gymnastics, at goalball.
Samantala, tinanghal naman na 1st runner-up ang municipal host na Lucban habang nagtapos sa ikatlo hanggang ikalimang pwesto ang Candelaria, Lopez, at Atimonan ayon sa pagkakasunod.
Ang mga atletang nagkamit ng medalya ang magiging pambato ng dibisyon ng Quezon sa darating na Regional Athletic Association Meet o RAAM na gaganapin sa Rizal sa Pebrero.