Aquacultutre production sa ikaapat na distrito ng Quezon, mas pagyayabungin
Mapagsigla ang lokal na industriya ng aquaculture.
‘Yan ang isa sa mga tinututukan sa ikaapat na distrito ng Quezon sa pangunguna ni Rep. Atty. Mike Tan.
Nitong Enero 21, idinaos ang ground breaking ceremony ng Legislative Multi-Species Marine Hatchery sa Brgy. Atulayan, Calauag, Quezon.
Nakalinya ito sa mga estratehiya ng Deparment of Agriculture na gawing moderno ang sektor ng agri-fisheries sa pamamagitan ng mga pamumuhunan sa imprastraktura.
“Sa pamamagitan nito, mas mapaparami at magiging locally sourced na ang mga yamang tubig tulad ng crabs, lobsters at iba pa,” saad ng kongresista sa kanyang Facebook post.
Ayon pa sa kanya, malaking tulong ang magagawa nito sa kabuhayan ng mga mamamayan.
Nagsimula ang naturang proyekto sa ilalim ng pamumuno ni dating 4th district representative at ngayo’y gobernadora Dra. Helen Tan. Nauna nang magkaroon ng hatchery sa mga bayan ng Perez at Alabat sa kanyang panunungkulan.