Konsehal Manong Nick Pedro, muling binuksan ang pagdiriwang ni Bonifacio sa kanyang pribilehiyo talumpati
Muling binuksan ni Konsehal Nicanor “Manong Nick” Pedro Jr. sa kanyang prebelihiyong talumpati noong Lunes, Disyembre 3 ang pagselebra kamakailan sa araw ng dakilang si Andres Bonifacio sa Bonifacio Drive, Pleasantville Subd., Lucena City.
Sa pagkakataon ding ‘yon at isinabay na rin ang seremonya sa pag-aalis ng lambong sa bagong monumento ng Pilipinong heneral sa himagsikan Gregorio del Pilar, si Goyo na martir ng Tirad Pass, wika ni Manong Nick.
Ayon pa sa kanya, sa pagkakaupo niya sa entablado sa pagselebra ng araw ng dakilang si Bonifacio mamamalas daw ang hilera ng iba pang mga rebulto na kumakatawan sa giting at kabayanihan ng lahing kayumanggi.
Samantala, ayon pa kay Manong Nick sa pamamagitan ng nasabing aktibidad nakaramdam siya ng pagmamalaki bilang isang Pilipino at pinasalamatan din ng konsehal ang kanyang kapwa konsehal na si Benito “Benny” Brizuela dahil sa makabayang proyekto nito
“Nakaramdam ako ng pagmamalaki, Mr. Presiding Officer bilang isang Filipino. Salamat sa makabayang proyekto ng ating kaibigan at kasama nating konsehal Benny Brizuela, hindi lang sa ngalan ng turismo kung hindi lang sa pagtatanim sa ating mga puso ng kadalikalaan ng nationalism,” pahayag ni Manong Nick.