News

Driver ng truck, patay matapos sumalpok sa isang poste sa Tayabas City

Patay ang driver ng isang truck matapos sumalpok ang minamaneho nito sa isang poste sa Maharlika Highway, Barangay Calumpang, Tayabas City nitong Lunes, Oktubre 2.

Kinilala ang nasawi na si Crisostomo Flores Magadia, 62-anyos, residente ng Brgy. Lutucan 1, Sariaya, Quezon habang sugatan naman ang pahinante noon na si Rossel Barrameda, 24-anyos.

Ayon sa report ng pulisya, binabagtas ng truck na may kargang buhangin at semento ang Maharlika Highway nang aksidente itong sumalpok sa poste na nasa kanang bahagi ng kalsada.

Idineklarang dead on arrival nang sumuring doktor si Magadia sa hospital habang kasalukuyan namang nasa pagamutan si Barrameda.

Pin It on Pinterest