News

Drug Symposium isinagawa sa Lucena South 1 Elementary School

Kamakailan ay nagsagawa ang Lucena South 1 Elementary School ng isang Drug Symposium na nilahukan ng anim na seksyon ng Grade 6 pupils.

Pinangunahan ito ng punong-guro ng paaralan na si Gng. Marilyn A. Merto, Gng. Gina L. Malaquilla, Coordinator ng OK sa DepEd, Gng. Maan Grace T. Herrera, Coordinator ng NDEP at Police Senior Master Sergeant Raymee Swindy F. Panganiban bilang tagapagsalita.

Ang nasabing symposium ay naglalayong turuan ang mga mag-aaral tungkol sa iba’t ibang uri ng droga, epekto, at kung paano ito maiiwasan.

Kaugnay nito, binalaan din ni PSMS Panganiban ang mga bata sa panganib ng ilegal na droga.

Binigyang-diin nito ang kahalagahan ng pagsasabuhay ng kanilang natutunan mula sa symposium, sa labas ng paaralan at sa tahanan.

Samantala, ang nasabing paaralan ay umaasa na sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga ganitong aktibidad ay lubos na maunawaan ng kanilang mag-aaral ang pag iwas sa pagkalulong sa droga at lubos na makatutulong sa paglikha ng isang mas ligtas at malusog na lipunan para sa lahat.

Pin It on Pinterest