Brgy. Marketview Inilahad ang Plano para sa Undas
Inilatag ni Kapitan Edwin Napule ng Barangay Market View sa Lungsod ng Lucena ang plano nilang ipapatupad sa darating na Undas. Kabilang sa plano ay ang pagdadagdag ng pwersa bilang force multiplier sa mga miyembro ng Lucena PNP sa mga maaaring magtungo o dumalaw sa mga puntod para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
“Actually dalawang araw na po na may deployment po don ng atin pong Lucena PNP under sir Albacea, meron na po silang inilagay na personnel don at the same time ay mamaya po ay magcoconduct po kami ng meeting ng aming mga barangay police at magdadagdag na rin po tayo bilang force multiplier,” ayon sa kapitan ng barangay.
Una nang iniutos ng Pamahalaang Panlungsod ng Lucena ang pagpapasara sa lahat ng sementeryo sa lungsod mula October 29 hanggang November 2 upang maiwasan ang pagkukumpol kumpol ng mga tao at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus.
“Sarado po ang ating sementeryo at napapanood po ito sa facebook natin at may advice na rin po sa atin ang local IATF together with circular on October 29 – November 2 sarado po ang sementeryo po natin kaya pagdating po ng araw at panahon na iyon automatic po 24/7 po natin itong babantayan at lilimitahan po ang pagpasok ng mga tao.”
Hinikayat naman ng punong barangay ang publiko na pumunta na ng maagap para bisitahin ang puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.
“Hinihikayat po namin sila na habang may panahon pa sila po ay dumalaw na sa mga sumakabilang mahal nila sa buhay para ng saganon po ay magawa po nila yung mga gusto nilang gawin habang may panahon pa dahil pag dumating yung araw na itinakda automatic po namin itong sasarahan at babantayan ng maghapon magdamag 24/7 po.”