Pangangalaga sa kalikasan hindi lang nakaatang sa mga nanunungkulan -Manong Nick Pedro
Ang responsibilidad sa pangangalaga ng kalikasan ay hindi lamang nasa mga nanunungkulan kundi nasa bawat isang indibidwal, ito ay ayon kay Konsehal Nicanor ‘Manong Nick’ Pedro Jr.
Kung magkakaroon lang daw na kontribusyon ang bawat isa sa pagsasaayos ng kapaligiran ay malaking bagay aniya ito kpag napagsama-sama.
“Ang ibig sabihin, it should be a collective effort, isang kolektibong pagkilos hindi lang ng barangay kundi ng kabuuan ng mamamayan,” sabi ni Konsehal Manong Nick.
Dagdag pa ng konsehal na hindi lang dapat basta naka-address ang problema sa kalikasan sa isang ordinansa kundi dapat may kakambal ito pagsisikap sa pagitan ng pamahalaan at ng mga mamamayan.
Ayon pa kay Konsehal Manong Nick na mahalaga ang pagtutulungan upang matugunan ang problemang ito.
“Kaya pagtulung-tulungan po natin, magtuwang-tuwang tayo sa ganitong problema na kinakaharap natin,” saad ni Konsahal Manong Nick.