News

Financial Assistance Ibibigay sa mga Guro ng Quezon

Kasabay ng pagsisimula ng face-to-face classes at regular na pagpasok ng mga guro.

Nakatakdang magbigay ng financial assistance sina Quezon Governor Danilo Suarez at Lucena City Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa lahat ng guro.

Sa Memorandum na inilabas ni Governor Suarez, ang financial na ibibigay ng probinsya sa lahat ng mga guro ng 39 na bayan at 2 lungsod ng Quezon ay bilang bahagi ng face-to-face preparation ng mga guro at kasabay din ng isasagawang Educators’ Research Convention ngayong araw ng Miyerkules.

Nakatakda rin namang magkaloob ng kanyang sariling financial assistance si Mayor Dondon Alcala sa lahat ng mga guro sa mga school sa lungsod ng Lucena.

Matatandaang 13 pang mga pampublikong paaralan ng elementarya at sekondarya sa Lucena City ang nagsimula na sa pagsasagawa ng face-to-face classes nitong Lunes, March 21. Ito ay batay na rin sa inilabas na direktiba ni Lucena City Schools Division Superintendent Dr. Hermogenes Panganiban.

Pin It on Pinterest