News

Free Public Wi-Fi sa Tayabas City, magagamit na

Kasabay ng pagbubukas sa publiko ng Mayohan Festival 2023 sa Lungsod ng Tayabas, inilunsad ngayong araw ng Pamahalaang Panlungsod ang Free Public WiFi.

Ito ay sa pangunguna ni City Mayor Lovely Reynoso-Pontioso kasama ang Sangguniang Panlungsod na isa sa mga pangunahing proyekto para sa mga Tayabasin.

Sinabi ng alkalde na ang libreng wifi ay maaari nang magamit ng mga Tayabasin at ng iba pang mamamayan na magtutungo sa kanilang lungsod upang maiabot sa mga ito ang ng mabilis na signal at abot kayang internet na mahalaga at kailangan sa pakikipagkomunikasyon.

“Magagamit na po nila ang buong Lungsod ng Tayabas ang ating Free Public WiFi so lahat inaanyayahan ko po na ang lahat ng panauhin kahit hindi mga Tayabasin lamang kahit kayo ay dadayo sa Lungsod ng Tayabas at kinakailangan niyong magconnect sa internet pumunta po kayo sa pinakamalapit na barangay hall o kaya po dito sa ating Poblacion i-on niyo lang po yung inyong WiFi at makikita niyo don ang ating Public Free WiFi Serbisyong Reynoso.”

Dagdag pa niya, ang wi-fi sites na inilunsad sa buong lungsod ay matatagpuan sa 50 lokasyon sa iba’t ibang lugar, partikular barangay hall, parke rizal at iba pa.

“50 barangays po and for every 50 for that every 50 barangays po dalawa yung ating connect hub kaya maraming makakakabit so more than 300 plus if I’m not mistaken for every barangay pero dito sa ating nalolooban ng heritage zone dito sa tapat ng Basilica, sa ating Casa Comunidad at sa Parke Rizal kung hindi po ako nagkakamali 1000 users at a time ang kaya pong gumamit.”

Ipinaliwanag ni Mayora Lovely na ang 16 na natitirang barangay sa lungsod na wala pa umanong free public wifi ay kinakailangan munang mabigyan ng access ang mga malalayong lugar upang makabitan sila ng internet.

Binigyang diin din ng Punong Lungsod ang kahalagahan ng Information and Communications Technology sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga mamamayan, sa pagpapanatili ng ugnayan ng bawat pamilya, at sa pag-unlad ng ekonomiya lalo ngayong nananatili ang pandemya.

Pin It on Pinterest