News

Pagsasanay sa basic hydroponics, isinagawa sa Infanta, Quezon

Isang pagsasanay ang inorganisa ng Municipal Agriculture Office ng Infanta, Quezon nitong Miyerkules ukol sa pag-aalaga at pagtatanim ng lettuce sa pamamagitan ng hydroponics technology.

Ito ay ang makabagong paraan ng pagtatanim kung saan hindi na kailangan magbungkal ng lupa para magpatubo ng halaman.

Pinapalaki at inaalagaan ang mga tanim sa pamamagitan ng paggamit ng water-based na mineral nutrient solution na mga may tubig na solvent.

Dumalo sa pagsasanay ang nasa 20 participants mula sa iba’t ibang barangay kabilang ang Sangguniang Kabataan Chairman, Barangay kagawad, Youth Organization members, Teachers at ilang magsasaka.

Ayon sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultor, layunin rin ng seminar na maturuan ang mga kabataan na magsimula sa isang simpleng pagkakitaan o maging isang Agripreneur at mapataas ang produksyon ng gulay sa bayan ng Infanta.

Kahit umano sa maliit na espasyo ay maaaring gamitin ang teknolohiyang ito.

Naging tagapagsanay dito ang isang kawani ng Municipal Agriculture Office katuwang si Camilo Rivera na isang Farmers Practioner na matagal ng nagtatanim ng lettuce.

Samantala, nakatanggap naman ang mga participants ng starter kit na naglalaman ng Lettuce Seeds, Seedling tray, UV Plastic, Styro Cup, Coco peat, Foam, at SNAP Solution na magagamit ng mga ito sa pagsisimula.

Pin It on Pinterest