News

Gilas Bakbakan o Boxing, bahagi ng kapistahan sa Sariaya, Quezon

Naging matagumpay ang isinagawang Gilas Bakbakan o Boxing sa bayan ng Sariaya, Quezon na ginanap sa Sariaya Municipal Park nitong Martes, September 12.

Pinangunahan ito ng Sariaya Tourism Council sa pamumuno ni EA Randy Tronila, Toursim Officer Designate, kasama ang mga kawani ng Tourism Office.

Nakaantabay naman dito ang mga kawani mula sa Rural Health Unit o RHU, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO at Bureau of Fire Protection o BFP Sariaya upang magbigay ng medical assistance katuwang ang Sariaya PNP para sa seguridad ng nasabing aktibidad.

Nasa 20 pares ang naglaban sa Gilas Bakbakan ngayong taon.

Ang naturang Gilas Bakbakan ay isa sa mga nakalatag na aktibidad para sa tatlong araw na pagdiriwang ng Kapistahan ng Bayan ng Sariaya mula Martes (September 12) hanggang Huwebes (September 14).

Samantala, isasagawa naman ngayong araw ang Baylehan sa Poblacion “Dance Competition” mamayang alas 5:00 ng hapon at bukas naman ang Parada ng Lahi at Palaro ng Lahi simula ika-6 ng umaga.

Pin It on Pinterest