News

City Treasurer’s Office, muling itinanghal na best implementer ng programang “Sa Lucena, VIP ka’ sa unang linggo ng September

Muling tinanghal ang City Treasurer’s Office na top 1 implementer ng programang ‘Sa Lucena, VIP Ka’ Program ng Pamahalaang Panlungsod ng Lucena sa pamumuno ni Mayor Mark Alcala para sa unang linggo ng September na may kategoryang Big Offices.

Ito ay may average na 88.30%, top 2 ang City Planning and Development Office na may average na 83% habang top 3 ang City General Services Office na may average na 82.5%.

Iginawad ang Certificate of Recognition ng Alkalde kasama sina Vice Mayor Roderick Alcala, City Administrator Anacleto ‘Jun’ Alcala Jr., Atty. Euclides Forbes at City Human Resource Management Officer Dr. Criselda David kasama ang mga konsehal ng Sangguniang Panlungsod kasabay ng isinagawang regular na flag raising ceremony nitong Lunes ng umaga, September 11.

Naging top 1 naman sa kategoryang small offices ang CMO Cooperative Development na may average na 88.97% habang top 2 ang Office of the City Urban Poor Affairs na may average na 85.33% at top 3 ang Local Youth Development Office na may average na 85%.

Pin It on Pinterest