Gov. Suarez, hindi naman daw lehitimong taga-segunda distrito ayon sa katungggali sa pulitika
Hindi naman daw lehitimong taga-segunda distrito ng Quezon si Governor David “Jay-jay” Suarez, ito ay sa kabila ng paglipat ng residency ng gobernador sa Barangay Bulakin sa bayan ng Tiaong noong huling bahagi ng ikatlong kwarter ng taong 2018 upang kumandidato sa pagkakongresista sa ikalawang distrito ng Quezon.
Sa panayam ng lokal na mamamahayag kay dating Department of Agriculture (DA) Secretary Procy Alcala na kandidato ring kongresisita, sinabi nito na alam ng taga-segunda distrito na hindi lehitimong taga-segunda distrito si Suarez.
“Dito ga? Kayong mga taga-media, kayo ang laging nasa kalsada, kayo na mismo, ay itanong natin sa ating mga sarili, naniniwala po ba kayo na taga-segunda distrito siya kahit na alam niyang hindi ay matakot po tayo sa ganyang klaseng tao,” pahayag ni Alcala.
Samantalang sinasabing ang segunda distrito ay bahagi naman ng lalawigan ng Quezon at nasasakop ng jurisdiction ng gobernador.
Hindi naman daw labag sa batas ang paglipat nito ng residency sa bayan ng Tiaong pero ayon kay Alcala,
“Bahala po sila kung ‘yon ang kanilang pananaw … ‘wag ako ang tanungin mo, yan ang itanong niyo sa kanila, may dinala ba? Kung ikaw ay nakatira sa maliit na barangay, gobernador ng pinakamalaking lalawigan at wala kang dinala, mag-iisang taon ka na doon ay anong ibig saihin, wala kang kwenta?”