News

Guro, patay sa sunog sa Bayan ng Macalelon, Quezon

Patay ang isang lalaking guro nang matrap matapos masunog ang kanyang inuupahang silid sa Brgy. Rizal, Macalelon, Quezon noong Miyerkules ng gabi, Enero 4, 2023.

Kinilala ng mga awtoridad ang nasawi na si Limuel Bangit Soliman, 39 taong gulang, residente ng Brgy. Villa Nava, Gumaca, Quezon.

Sa ulat ng Quezon PNP, bandang alas-11:20 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa 2-storey commercial building na pag-aari ni dating Mayor ng nasabing bayan.

Namatay ang biktima na umupa ng kuwarto sa ikalawang palapag nang hindi nito magawang makalabas ng naturang gusali.

Kasabay na nilamon ng apoy ang katawan ng biktima.

Tumagal ng nasa isang oras ang sunog bago naapula ng mga bumbero, alas-1:15 ng madaling araw ng sumunod na araw ng maideklara na itong fire-out.

Iniimbestigahan pa ang kung ano ang sanhi at magkano ang halaga ng pinsala sa naturang trahedya.

Pin It on Pinterest