News

Mga na-trap sa landslide sa Infanta, matagumpay na nasagip

Matagumpay na nairescue ng Infanta Quezon Emergency Response Team (IQERT) ang pitong (7) indibidiwal na lulan ng isang van-for-hire na na-trap sa pagitan ng dalawang landslide sa Barangay Magsaysay Infanta Quezon kahapon, January 5, 2023.

Kinilala ang mga nasagip na sina Jessa Malate, Ronah Fallar, Jessner Malate, at Jelah Mhor Malate mula sa bayan ng Polillio, Quezon

Kasama din sa nasagip sina Kristianilde Joana Lopez at Gen Baronia ng Lucena City, kasama ang hindi pa nakikilalang driver.

Ang mga ito ay nakatakda sanang lumuwas upang magdala ng pasyente sa ospital nang abutan ng pagguho ng lupa bunsod ng walang tigil na pag-ulan sa bahagi ng Barangay Magsaysay Infanta, Quezon.

Ayon sa naman Infanta Quezon Emergency Response Team sa kasalukuyan ang mga ito ay nasa maayos nang kalagayan.

Pin It on Pinterest