News

Halos 6K kapulisan, ipapakalat sa Calabarzon ngayong Semana Santa

Nasa 5,934 kapulisan ang ipapakalat ng Police Regional Office Calabarzon sa mga matataong lugar sa buong rehiyon bilang pagpapanatili ng peace and order ngayong Semana Santa.

Isa ito sa tinalakay sa naging Pre-Disaster Risk Assessment Meeting ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga biyahero, turista, at mga debotong dadagsa sa rehiyon ng Calabarzon sa nalalapit na obserbasyon ng Mahal na Araw simula Abril 2 hanggang Abril 9.

Pangungunahan naman ng Land Transportation Office (LTO) 4-A at Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) 4-A ang pag-iinspeksiyon sa mga terminal ng mga pampublikong sasakyan sa rehiyon. Magbibigay din ang mga ito ng road assistance kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH) 4-A para matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at biyahero.

Nakahanda na rin ang Philippine Ports Authority (PPA) para sa pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan.

Samantala, naka-alerto naman ang Bureau of Fire Protection para sa rumesponde sa mga sitwasyon na kailanganin.

Tiniyak naman ng RDRRMC CALABARZON na nakahanda sila at ang lahat ng mga kasaping ahensiya na tugunan ang anumang uri ng sakuna ngayong Semana Santa.

Pin It on Pinterest