News

TUPAD orientation isinagawa sa Sampaloc, Quezon

Naghatid ng tulong pangkabuhayan ang Department of Labor and Employment o DOLE katuwang ang lokal na pamahalaan ng Sampaloc, Quezon, sa pamamagitan ng programang Tulong Panghanabuhay para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD.

Ito’y bilang bahagi ang pagkakaloob ng ayuda ng programa ng ahensya sa mahihirap na kababayan na nawalan ng trabaho dulot ng nagdaang pandemya sa bansa.

Sumalang sa oryentasyon ang 384 benepisyaryo mula sa iba’t-ibang barangay sa bayan na makikinabang sa naturang proyekto.

Masusing pinili ang mga benepisyaryo ng TUPAD sa pagtutulungan ni Mayor Gelo Devanadera, PESO Sampaloc at ng mga staff ng Community Affairs.

Isa ang Agri Partylist na lumapit sa tanggapan ng DOLE upang maisakatuparan ito.

Ang TUPAD ay isang community-based package of assistance na nagbibigay ng trabaho para sa mga displaced workers, underemployed at seasonal workers sa loob ng 10 araw, o hindi lalampas sa 30 araw depende sa trabaho.

Pin It on Pinterest