Lumang Poste ng kuryente sa Brgy. Ibabang Dupay Lucena City, matagal nang inirereklamo na maaaring magdulot ng disgrasya!
Hihintayin pa ba na magkaroon ng disgrasya ‘yan ang sigaw ng mga residente ng Purok Central, Barangay Ibabang Dupay sa Lucena City hingil sa isang lumang poste na pinagkakabitan ng mga kuntador, wala na daw kasi itong tibay at ano mang oras posibleng magdulot ng panganib sa lugar.
Sabi ng mga residente sa lugar matagal na panahon na daw nila itong inireklamo at idinulog kung kanikanino subalit hanggang ngayon ay walang naging aksyon dito ang Meralco, pinangangambahan nila na baka isang ay araw sumambulat nalang ang isang malaking trayedya.
Ang naturang poste ay mahuna na raw at bulok na ang ilalim na bahagi, tanging mga kable nalang raw ang tila nagpapatibay dito.
May pagkakataon daw lalo kapag umuulan na nagkakaroon ng pagkislap sa daloy ng kuryente sa at kung minsan ay pagkawala ng daloy.
Ang lumang poste na pinagkakabitan ng mga kuntador ng kuryente ay nasa gitna pa naman ng mga kabahayan, ang mga bahay halos dikit dikit.
Ayon sa ilang opisyal ng barangay ng Ibabang Dupay, ang reklamo na ito ay matagal na raw nilang idinulog sa Meralco subalit hanggang ngayon wala pang tungon.
Muling nananawagan ang mga residente sa lugar na sana ay mabigyan ng aksyon ang rekalmo nilang ito, bagamat aminado na hindi nila sariling lupa ang lugar, hindi naman daw dahilan para hindi isaalang-alang ang kanilang mga kaligtasan.