Hepe ng Lucena PNP Namigay ng Bulaklak sa mga Babaeng Pulis sa Istasyon
Namigay ngayong araw February 14, Valentine’s Day ng mga bulaklak ang hepe ng pulisya sa mga babaeng Police Personnel nito sa Lucena City Police Station.
Ayon kay PTLCOL Erickson Roranes, hepe ng Lucena PNP, nagbigay siya ng mga bulaklak na rose na kulay pula na isang paraan para maipakita niya ang pagmamahal sa kapwa pulis ngayong araw ng mga Puso sa kabila ng maraming trabaho ng mga ito.
“Atleast parang ano lang parang 18-roses lang, atleast isa ring way sa pagpapahalaga natin sa ating mga kasamahang kapulisan na itong mga kababaihan natin although itong mga ito masasabi natin na nagpeperform din sila ng mga trabahong panlalaki pero sa pagkakataong ito. Ito lang din yung pagkakataon na marecognized natin sila mabigyan ng kaunting bulaklak at karamihan naman dito ay ilaw o mga ina ng tahanan ay nagpeperform pa rin sila ng excellence output dito sa opisina”.
Ang mga babaeng uniformed at non-uniformed personnel ng Lucena CPS na nakatanggap ng bulaklak ay napangiti kasabay ng pagpapasalamat sa kanilang hepe ng pulisya.
Kasabay ng pag-abot ng bulaklak ni Roranes, isa-isa rin niyang isinasayaw ang mga ito na tila para bang nag-debut ang isang babaeng pulis na may kasamang background music na ang singer ay mula rin sa Lucena PNP.
Idinagdag pa niya, simpleng bagay lamang daw ito pero alam niyang makakapagpasaya sa mga kapwa pulis para maibsan ang kanilang lungkot at pagod, hindi raw kailangan ng mamahaling bagay o materyal para ipadama ang pag-ibig.