News

Pagpapakalat ng impormasyon para sa SIM Card Registration, Isinagawa sa General Nakar

Sa patuloy na pagpapatupad ng SIM Card Registration sa buong bansa, nagsagawa ang bayan ng General Nakar ng information dissemination and distribution of flyers patungkol sa SIM Card Registration.

Inatasan ni Mayor Esee Ruzol si Information Officer I Elbert June Villanueva RL mula sa Office of the Municipal Information Officer na pinangungunahan ni MIO Lea Villanueva.

Ito ay upang manguna sa pagbibigay impormasyon at gabay para sa SIM Card Registration sa pamayanan at maging sa mga paaralan sa nasabing bayan.

Naisagawa ang information dissemination and distribution of flyers patungkol sa SIM Card Registration para sa mga mag-aaral at kaguruan ng Paaralang Sekundarya ng Heneral Nakar-Main Official na pinangungunahan ni Principal IV Greg I. Racelis.

Hangad naman ni Mayor Esee Ruzol na matulungan ang kanyang mga nasasakupan na makapagparehistro ng mga SIM Card upang malabanan ang anumang spam o scam na messages at maiwasan ang awtomatikong “deactivation”.

Pin It on Pinterest