News

Destructive fishing sa inner Lamon Bay nais mahinto; Joint Session sa pagitan ng SP Quezon at mga bayan na nakakasakop dito, gagawin

Laman ng pribilehiyong talumpati ni Quezon Sangguniang Panlalawigan Ex-officio Board Member Angelo Eduarte ang Committee Chairman on Argriculture ng Sangguniang Panlalawigan ang talamak na pagpasok ng mga malalaking bangkang pangisdaan tulad ng Buli-buli at iba pa sa karagatang sakop ng Lamon Bay bagay na nagpapahirap at sumisira sa karagatan ng inner Lamon Bay na malaking epekto naman sa mga mangingisda ng mga bayang nakakasakop, wala na raw halos mahuli ang mga maliliit na mangingisda doon.

Nais ni Eduarte na magkaroong ng joint session ang Sangguniang Panlalawigan ng Quezon sa pagitan ng mga Sangguniang Bayan na nakakasakop sa Lamon Bay upang balangkas ng isang resolusyon upang magkaroon ng mga bagong ordinansa o lokal na batas sa pagsawata sa destructive fishing sa inner Lamon Bay partikular sa malalaking palakaya.

‘’Ang Pangunahing magiging hakbang natin dito ay gumawa ng isang polisiya sa pamamagitan ng ordinansa na itong lugar na ito ay kinakailangang hindi dayuhin ng malalaking pangisdaan na kung saan kung mayroong nakita na ganitong malalaking pangisdaan agarang iaalerto ang buong inner Lamon Bay Municipalities upang i-aparehend o puntahan dahil kinakailangan dito ng tuong-tulong na gawain upang sa ganoon sila ay mawala doon sa nabanggit na lugar’’, Ex-officio Board Member Angelo Eduarte.

Ang panawagang ito ay bunsod ng isinagawang Joint Session noon Pebrero 8, 2023 ng tatlong bayan ng Alabat, Quezon at Perez o tinatawag na ALQUEREZ tungkol sa usapin kung paano ito mareresolba at kung ano mga hakbang na pwedeng gawin para sa higit na epektibong pagpapatupad ng mga batas pangisdaan sa inner Lamon Bay, dumalo dito si Eduarte dahilan upang humiling ng Sangguniang panlalawigan ng Quezon ng isang Joint Session sa pagitan ng 8 bayan na nakakasakop sa Lamon Bay kaugnay pa rin sa kahilangan ng Gobernador ng probinsya na bumabalangkas ng mas mahigpit na pagpapatupad ng mga batas pangisdaan.

‘’Naatasan po tayo ni Gov. Doctora Helen Tan na tulungan sa uring pagsasabatas ang mga bayan na may malaking problema sa pangisdaan, gagawa po tayo ng mga polisiya o batas pangisdaan ang buong Lalawigan. Layunin po ng iyong lingkod na maipatawag ang Sangguniang Panlalawigan para sa isang pampublikong pandinig ang SB committee on Agriculture, Municipal Agriculture Officer, pangulo ng MFARMC ng lahat ng bayan mula sa nasasakupan ng inner Lamon Bay katuwang na rin ang ating office of the Provincial Agriculturist at Provincial Attorney’s Office’’, Ex-officio Board Member Angelo Eduarte.

Binubuo ang inner Lamon Bay ng 8 bayan sa Quezon kabilang ang Alabat, Perez, Quezon, Atimonan, Plaridel, Gumaca, Lopez at Calauag nagkasundo ang lahat ng miyembro ng Sangguniang Panlalawigan para sa gagawing Joint Session kasama ang iba pang agencies concern sa naturang usapin.

Pin It on Pinterest