News

Higit 400,000 estudyante nagbalik-eskwela sa Quezon

Umarangkada na nitong Martes ang muling pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Sa lalawigan ng Quezon, tinatayang umabot na sa higit 400,000 estudyante mula sa kinder, elementarya at sekundarya o high school ang nagbalik-eskwela, base ito sa datos ng Department of Education – Quezon.

Ayon sa Learner Information System Quick Count Status na ibinahagi ni Senior Education Program Specialist Oscar Duma, Jr., higit 127,000 sa nasabing bilang ang mula Kinder hanggang Grade 3 habang higit 100,000 naman ang mula Grade 4 hanggang Grade 6.

Sa Junior High School mayroong 121,592 ang nag-enrol at nasa 59,272 ang bilang ng Senior High School. Nasa 2,020 naman ang bilang ng ‘non-graded’ o special education learners.

Ayon sa DepEd-Quezon, patuloy pa ding tatanggap ng estudyanteng magpapalista sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan at inaasahan na tataas pa din ang bilang ng mga mag-aaral.

Pin It on Pinterest