Higit 500 Kabataang Lucenahin, nakatanggap ng AICS assistance

Nasa 500 benepisyaryong kabataan mula sa iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Lucena ang tumanggap ng tulong-pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD ngayong araw ng Linggo, December 4.

Ginanap ang pamamahagi ng ayuda sa Covered Court ng Barangay 9 ng naturang lungsod.

Tumanggap ang bawat indibidwal ng tig-aapat na libong piso na magagamit para sa kanilang pag-aaral na halos lahat ay estudyante ng kolehiyo.

“Hahandugan natin ng apat na libong kada isa alam ninyo kailangan magtulungan sapagkat alam natin nang hirap ng dinanas natin”, sabi ni Sen. Imee.

Pinangunahan ni Sen. Imee Marcos ang pamamahaging ito ng Assistance to Individual in Crisis Situation o AICS kasama sina Gov. Dra. Helen Tan, Vice Gov. Anacleto Alcala III, 2nd District Board Member Vinnette Alcala, Vice Mayor Roderick “DonDon” Alcala na siyang kumatawan kay Mayor Mark Alcala.

Nagpasalamat naman ang lahat ng nakatanggap ng assistance dahil malaking tulong anila ito sa kanilang pag-aaral.

Pin It on Pinterest