News

Blood Letting Activity, isasagawa sa Lungsod ng Tayabas

Ang Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa pangunguna ng Tanggapan ng Kalusugang Panlungsod ay magkakaroon Blood Service Program.

Alinsunod sa itinatakda ng Republic Act 7719 o ang batas na nagsusulong ng boluntaryong pagdodonasyon ng dugo para magkaroon ng sapat na supply ng dugo.

Patuloy ang panawagan na suportahan ang Voluntary Blood Donation Program para magkaroon ng sapat na supply ng dugo na magdurugtung sa buhay ng mga Tayabasing nangangailangan ng pansaling dugo.

Gaganapin ang Blood Donation Activity sa Casa Comunidad simula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa darating na Miyerkules, December 7, 2022.

Sa pakikipag-ugnayan ng nasabing grupo sa Quezon Medical Center Blood Bank ay natutulungang masagip ang buhay ng mga nangangailangan.

Kaugnay ng mga matagumpay na naisagawang Blood Donation Activities ay muli bibigyan ng Sertipiko ng Pagkilala ang mga regular blood donors na walang sawang sumusuporta sa nasabing programa.

Pin It on Pinterest