News

Mahigit 1,900 na mga bata sa Gumaca, tumanggap ng Nutribun

Mahigit 1,900 na mga bata mula sa Day Care Children sa bayan ng Gumaca, Quezon ang tumanggap ng libreng nutribun mula sa lokal na pamahalaan.

Ito ay bahagi ng Supplementary Feeding Program 2022-2023 implementation ng Gumaca LGU na naglalayong mabigyan ng tugon ang gutom at malnutrisyon sa mga bata.

Ayon sa lokal na pamahalaan, magpapatuloy ang kanilang distribusyon ng nutritious bread sa susunod na walong linggo.

Naisakatuparan ang naturang programa sa tulong ng pondong nagkakahalaga ng P349,600 mula sa ahensya ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Labis namang nagpapasalamat si Mayor Webster Letargo sa pondong ipinagkaloob ng DSWD at sa mga kawani nito sa kanilang dedikasyon at kasipagaan.

Pin It on Pinterest