Ikalawang SOCA ni Mayor Mark Alcala, sumentro sa ekonomiya, kalusugan, edukasyon at social protection
Sa ikalawang state of the city address ni Lucena City Mayor Mark Alcala, sumentro ang kaniyang talumpati sa mga programa ng pamahalaang lokal kaugnay sa ekonomiya, kalusugan, edukasyon, seguridad at kapakanang panlipunan.
Inumpisahan ang pagtalakay sa pagtaas ng lokal na ekonomiya ng Lucena City bunsod ng pagpapalakas ng local revenue collection at pagpapatupad ng mga programa tulad ng tax amnesty program.
Ibinida din ang tatlong pangunahing programang pangkalusugan ng siyudad na tumutugunan sa pangunahing pangangailangan ng lahat ng age group kabilang ang Movement Against Malnutrition o Mama para sa mga sanggol at bata, Ligtas Buntis para sa mga nanay at Boomerang para sa mga may edad.
Ipinagmalaki din ang mga pagkilalang natanggap ng lungsod pagdating sa edukasyon, partikular ng Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena na kinilala bilang top performing school sa tertiary education, social work at accountancy.
Patuloy din umano ang pagbibigay ng pamahalaang lokal ng school supplies sa mga batang mag-aaral at pagtatayo ng mga extension school.
Tinalakay din ang pagtaas ng cash incentive na ibinibigay sa mga persons with disability at senior citizen sa lungsod.
Nakikipagtulungan din umano ang administrasyon sa Office of city urban poor at engineering office para sa pagtatayo ng karagdagang imprastraktura para sa murang pabahay at community development.
Tuloy-tuloy aniya ang pagpapalawak sa Don Victor Ville at nalalapit na din ang pagbubukas ng tenament housing project na matatagpuan sa brgy marketvi inaasahang magbibigay ng tahanan sa higit ng 600 pamilyang naninirahan sa mga disaster risk areas.
Ibinida din ng alcalde ang mga parangal na iginawad ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa Lucena City. Kabilang dito ang top 5 most improved highly urbanized city sa buong bansa, ayon sa DTI at fastest growing economy, batay naman sa Philippines Statistics Authority. //Roniel Carascal