News

Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena Malaki ang Ipinagbago Makalipas ang 20-taon

Sa paglipas ng dalawampung taon nasaksihan ni Dr. Maria Charmaine Lagustan, President ng DLL ang naging pagbabago ng Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena, ito ang kanyang naging pahayag sa programang Usapang ni Manong Nick.

Ayon kay Lagustan nagsimula mag-operate ang paraalan taong 2002 at marami na rin ang pinagdaanan ng DLL. Aniya, na buhat noon hanggang sa kasalukayan ay patuloy parin ang development ng paaralan

“Napakahaba na po ng pinagdaanan ng ating paaralan 20 years po ito poy nagsimula 2001 pero ang operation nito ay nagsimula noong 2002 first semester of 2002 at napakarami po ng pangyayare mula noon hanggang ngayon at ang malaki pong development nan nangyari ay noong 2012” ayon kay Lagustan

Dagdag pa ng Presidente ng DLL  na siya ay mapalad dahil nasaksihan niya ang naging pagbabago ng nasabing paaralan.

“Actually po ay napakaswerte ko po dahil nakita po nawitness ko po ang transformation ng school” sinabi ng Presidente ng DLL

Sinabi rin ni Lagustan na nagsimula lamang sa tatlong kurso ang DLL na naaprubahan ng CHED.

Aniya, ngayon daw ay meron ng 9 na kurso ang paraalan at ang tatlo dito ay kasama sa may licensure exam.

“Meron po kasing tatlong courses ang pinagsimulan ang dalubhasaan ng lungsod ng lucena noong pong city college pa…. ngayon meron po tayong 9 courses lima po yung nadadagdag na kurso ito pong limang courses na ito tatlo  po dito ay licensure examination,” ayon kay Lagustan

Sinabi naman ni Dr. Lagustan na nagkaroon ng malaking pagbabago sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena noong taong 2012 kung saan naupo sa pagka alkade si Mayor Dondon Alcala.

“So ito po yung 2012 ay yung pag upo ni Mayor Dondon Alcala, so ‘yun po ‘yong nagkaroon ng malaking pagbabago,” ayon kay Lagustan.

Pin It on Pinterest