News

Mga namatay sa lunod sa nagdaang Holy Week, umabot na sa 72

Umabot na sa 72 katao ang naiulat na nasawi bunsod ng pagkalunod sa iba’t ibang resort at beach sa gitna ng paggunita ng Semana Santa.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Col. Jean Fajardo, ang mga insidente ay naitala sa Calabarzon, Ilocos, Bicol at Central Luzon.

Dagdag pa ni Fajardo, ang pagdagsa ng mga bakasyunista at bunsod ng mahabang holidays at matagal na pananatili sa mga tahanan dahil sa COVID-19.

Ang mga namatay ay bunga umano sa kawalan ng bantay sa mga bata habang naglalangoy at kalasingan.

Itinuturing ni Fajardo na “unusual” at mataas ang bilang ng mga nasawi kumpara sa nagdaang mga taon.

Aniya, siksikan ang mga resort at mga beach kaya nahirapan ding marespondehan agad ang lugar ng pinangyarihan ng insidente.

Kaugnay nito, nagpaalala si PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. na bantayang maigi ang mga bata tuwing may family outings, at iwasan din ang paglalasing habang nagsu-swimming upang maiwasan naman ang mga insidente ng pagkalunod.

Pin It on Pinterest