High value individual drug suspect sa Calamba, arestado
Tiklo ang 43-taong gulang na kasama sa drug watchlist bilang high value individual sa Calamba City, kamakailan.
Sa ikinasang opereasyon ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Laguna PPO at Calamba Component City Police Station sa Barangay Makiling, naaresto ang suspek matapos pagbentahan ang pulis na nagpanggap na buyer.
Bukod sa ilegal na droga na tumitimbang ng humigit kumulang 30 gramo na may Standard Drug Price na aabot sa PhP204,000.00, nakumpiska rin sa kanya ang isang caliber 9mm pistol na may tatlong bala.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Calamba Pulis ang suspek habang inihahanda ang mga kaukulang kaso laban sa kanya.
Ayon kay Laguna Provincial Police Director PCol Jonar Yupio, patuloy nilang pinaiigting ang operasyon laban sa ilegal na droga sa lalawigan.

