News

Ilang mamamayan sinabing hindi na magbabago ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na 6 buwan

Karamihan sa mga mamamayan sa Lungsod ng Lucena ang hindi naniniwalang magbabago o gaganda ang kanilang buhay sa susunod na anim na buwan.

Ito’y base sa pagtatanong ng Bandilyo.ph at 89.3 FM Max Radio.

Hindi rin naniniwala si Mae Castillo na isang sidewalk vendor sa lungsod na bubuti pa ang kanilang buhay dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Pero batay sa resulta ng inilabas na survey ng OCTA Research, sa pamamagitan ng Tugon ng Masa o TNM nationwide survey, marami pa rin sa mga Pilipino ang naniniwala na magbabago pa o gaganda ang kanilang buhay sa mga susunod na buwan.

Sa resulta ng naturang survey, lumalabas na 55% ng mga adult Filipinos ay naniniwalang gaganda ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na anim na buwan, habang 36% ang naniniwalang hindi to magbabago.

4% na porsyento naman ang naniniwalang lalo lamang papangit ang kalidad ng kanilang buhay.

Pin It on Pinterest