News

Konsulta program, inilunsad sa San Narciso, Quezon

Pinangunahan ni Quezon Governor Doktora Helen Tan kasama ang mga kawani ng Philhealth at ng Rural Health Unit ang paglulunsad ng libreng konsultasyon sa San Narciso, Quezon nitong Martes, Setyembre 19.

Ito’y bilang bahagi ng Quezon Primary Care Provider Network Konsulta Sandbox na isinusulong sa buong lalawigan ng Quezon. Layunin nito na makamit ang maayos at mas madaling pagbibigay ng libreng serbisyong pangkalusugan sa bawat mamamayan ng lalawigan.

Kabilang sa mga pangunahing nakinabang sa programa ay mga bata, buntis at senior citizen.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, sa pamamagitan ng nasabing Konsulta Sandbox, walang maiiwan at lahat ay mabibigyan ng sapat na serbisyo at benepisyo sa ilalim ng programa.

Layunin din nito na mairehistro ang mga residente at maiwasan na mag-aalinlangang magpakonsulta dahil sa kawalan ng pera.

Aarangkada ng limang araw ang libreng konsultasyon sa nasabing bayan simula nitong Martes hanggang sa Sabado.

Pin It on Pinterest