News

Ilang ordinaryong mamamayan, naniniwalang natapos na ang COVID-19

Ilang ordinaryong mamamayan sa Lungsod ng Lucena ang umaasang natapos na ang krisis na dulot ng COVID-19 sa bansa.

Ito’y dahil daw sa maluwag na ang paggalaw ng mga tao.

“Oo siguro oo kasi free na eh, wala na masyadong napapabalitang may COVID pa”, sabi ni Tintin.

“Parang wala na katulad ko wala akong facemask tsaka kasi parang panatag na yung tao parang kampante na”, ayon kay Rachelle.

“Naniniwala akong wala kasi kami wala kaming turok eh, di kami nagpaturok, nagpaturok pala ako isang doze di ko kinaya hindi na ako umulit”, pahayag ni Julie.

Batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Station o SWS, 93 percent ng mga adult Filipinos ang naniniwalang natapos na ang COVID-19 pandemic.

Ang naturang survey ay isinagawa mula December 10 hanggang 14.

Lumabas din sa survey na mayroong 59 percent ang labis na nababahala, habang 18 percent ang bahagyang nababahala, 9 percent ang hindi gaanong nababahala at 13 percent ang hindi nababahala na muli pang mananalasa ang COVID-19.

Magugunitang iniulat ng Department of Health o DOH ang tuluyang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Pin It on Pinterest