News

Tag-init opisyal nang idineklara

Ramdam na ng marami ang maalinsangang panahon.

‘’Sobrang init na po’’, sabi ni Kayla.

“Sobra po talagang init”, ayon kay Aries Cellie.

Sa katulad ni Mamang Eric na medyo may edad na isang tricycle driver, ang nararamdamang mainit na panahon ay may epekto daw sa kanyang paghahanapbuhay.

‘’Sobra na nga pong init e hindi na nga ako makapagrambol e, lagi nalang ako nakapila, nakakaramdam na rin ng pagod at hapo,” ang asabi ni Mamang Eric.

Sa tindera ng samalamig gaya ni Aling Den-Den pabor sa kanilang hanap buhay ang dry season, katunayan nagsisimula na daw na maging mabenta ang kanyang produkto pamatid uhaw ang samalamig.

“Marami-rami na nadami na.”

Ang samalamig sa mga bangketa ang nagsisilbing pamatid uhaw ng ilan sa kanilang paglalakad.

‘’Pang ano ng uhaw sa grabe pong talagang init.”

Opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes, Marso 21, ang ‘dry season’ o tag-init sa bansa.

Pormal nang nagtapos ang panahon ng Amihan, tatagal ang tag-init hangang sa huling bahagi ng Mayo.

Ayon sa PAGASA, tuluyan nang umatras ang High-Pressure Area sa Siberia na nagresulta sa paghina ng northeasterly winds at ang pagtaas ng temperatura sa halos lahat ng bahagi ng bansa.

Asahan na sa pagpasok ng Abril at sa susunod na buwan ang mainit na temperatura at ang pag-ulan ay maiimpluwensyahan ng easterlies at localized thunderstorm.

Mararamdaman ang labis na init ng sikat ng araw sa pagitan ng alas 11:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon, kung hindi maiiwasan na lumabas ng bahay sa mga oras na ito payo ng DOH magdala ng mga pananggalang sa sikat ng araw upang maiwasan ang ano mang sakit lalo na ang heat stress gawin daw madalas ang pag-inom ng tubig.

Pin It on Pinterest