News

Incentive sa communication expenses sa mga pampublikong guro sa Sariaya, aprubado sa SP Quezon

Aprubado sa ikalawang pagbasa sa plenaryo ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang isang ordinansa sa bayan ng Sariaya, Quezon na pagbibigay ng isang libong piso kada taon sa mga public school teacher at non-teaching personnel para sa kanilang mga communication expenses.

Ang ordinansa ay dumaan sa committee hearing at binusisi at pinag-aralan ng Committee on Education sa pamamahala ni 1st District Board Member Jerry Talaga.

Ayon sa bokal, ang nilalaman ng ordinansang ito ay naayon sa batas at walang nakitang paglabag.

Sa regular na session ng Sangguaniang Panlalawigan ng Quezon umaga ng September 4, ang Municipal Ordinance No. 2023-06 ng Sangguniang Bayan ng Sariaya, Quezon na may pamagat na “An Ordinance Granting Public School Teachers, Locally-Funded Teachers and Non-Teaching personnel in all Public Schools in Municipality of Sariya, Quezon an amount of One Thousand Pesos every year to supplement for their communication expenses and for other purposes” at lahat ng Board Members ay pumabor sa ordinansa.

Ang pondo na gagamitin dito ay mula sa lokal na pamahalaan ng Sariaya kasama na makakatulong umano kahit paano at kabawasan kahit paano sa gastusin pang-komunikasyon sa internet load ng mga pampubikong guro sa naturang bayan.

Pin It on Pinterest