News

School supplies, ipinamahagi sa mga estudyante sa Guinayangan, Quezon

Tuloy ang pamamahagi ni Guinayangan, Quezon Mayor Maden Isaac ng libreng school supplies sa mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa kanilang bayan.

Personal na iniabot ni Isaac ang school supplies sa mga estudyante sa Dungawan Paalyunan Elementary School, Sintones Elementary School, Ligpit Bantayan Elementary School, Don Guillermo Eleazar-Manlayo, Gregorio M.Mendoza Elementary School, Guinayangan Elementary School, Guinayangan National High School at iba pa.

Ang sektor ng edukasyon ay isa sa prayoridad ng Lokal na Pamahalaan ng Guinayangan upang matulungan ang mga mag-aaral at ang kanilang mga magulang.

Nakiisa sa pamamahagi sina Vice Mayor Norman R. Dublois kasama si SB/Committee Chair on Education Hon. Gregorio Q. Cadacio Jr at ang bumubuo ng Sangguniang Bayan Members.

Labis na nagpapasalamat ang mga guro, estudyante at mga magulang sa Pamahalaang Bayan na patuloy na sumusuporta sa larangan ng Edukasyon.

Pin It on Pinterest