Insentibo Para sa mga Magpapabakuna, Hindi na raw Kailangan
Para kay Lorna Rejano na isang Lucenahin hindi na daw kailangan ng insentibo para lang magpabakuna ng COVID-19 vaccine ang isang indibibwal. Katwiran nito, kahit daw walang allowance na ibigay ay okay lang sa kanya dahil para sa kaligtasan naman daw niya ito.
“Hindi po, siyempre ay kailangan talaga natin ng bakuna eh, okay lang”.
Ganito rin ang saloobin ni Chit Lapuz…
“Okay lang, ako nga nagpabakuna walang allowance sarili ko, oh ‘di ba? Ang importante ay mabakunahan para sa COVID-19.”
Sa halip na pa-raflle para sa mga bakunado, nais ni Albay Rep. Joey Salceda ang pagbibigay ng vaccination allowance at mas maayos na proseso ng vaccination registration. Saad ng mambabatas, higit na makakapanghikayat ng mga Pilipinong magpabakuna ng COVID-19 vaccine.
Nauna nang inirekomenda ni Salceda na bigyan ng incentive katumbas ng sahod ng isang araw na minimum wage ang mga magpapabakuna.