News

Interesadong Blood Donors sa Dolores, Quezon inaanyayahang magbahagi ng Dugo

Isang blood-letting activity ang nakatakdang isagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Dolores, Quezon katuwang ang Quezon Medical Center – Bloodbank sa darating na Huwebes, April 13, 2023.

Ang nasabing aktibidad ay isasagawa sa Buncayo Subd. Brgy. Bulakin II ng naturang bayan na inisyatiba ni Mayor Orlan Calayag.

Ang mga interesadong donors ay maaaring magtungo sa nasabing lugar sa oras na alas 8:00 hanggang alas 11:30 ng umaga.

Ang programa ay may layong matulungan ang mga nangangailangan ng dugo gaya ng mga may karamdamang tulad ng anemia, maging ang mga naaksidente.

Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang mga residente na suportahan ito sa pamamagitan ng pagdodonate ng dugo upang lalo pang mapaigting at mapalakas ang mga programang makatutulong pa sa pamilyang Doloresin.

Pin It on Pinterest