News

Mga bagong refill na Fire Extinguisher, muling ipinagkaloob sa mga residente sa Brgy. Cuatro matapos magamit sa sunog

Muling namahagi ang Pamahalaang Barangay ng Barangay Cuatro sa Lungsod ng Lucena ng mga bagong refill na Fire Extinguisher sa mga residente nito.

Pinangunahan nina Kapitana Editha Carurucan at Kagawad Marlon Gamit ang naturang pamamahagi.

Ayon kay Kapitana Carurucan, isang beses sa loob ng isang taon sila nagpapa-refill ng mga Fire Extinguisher na nakahabilin sa mga kabarangay na ang pondo raw nito ay mula sa barangay.

Nagamit daw kasi ang pitong Fire Extinguisher noong March 25 matapos na magkaroon ng sunog na siyang napigilan agad sa tulong ng mga fire extinguisher at sa pagtutulungan na rin ng mga residente.

“Sadyang once a year kami’y nagpapa-refill na kinukuha doon sa allocate budget ng quick and response ay may nagamit na pito yung napigilang sunog dito sa Sto.Rosario ay di panibagong pa-refill na namin ulit. Dahil nagamit nagparefill ulit kami ibinalik namin sa mga pinagkuhaang bahay.”

Sinabi ni Carurucan lahat ng purok sa kanilang barangay ay may nakahabiling fire extinguisher sa mga bahay na laging may tao dahil mahalaga raw ito sa oras ng biglaang pagkakaroon ng sunog.

“Lahat ng purok ay may nakalagay kami na ano Fire Extinguisher syempre hinahabilin namin ay doon sa bahay na yung bang laging andon yung tao gawa ng kung anumang oras mangyari ay makukuha tsaka yung aming mga Purok Leader kumbaga yung mga katuwang rin namin sa pagseserbisyo doon nakahabilin yung Fire Extinguisher.”

Sa ngayon ay may 17 Fire Extinguisher ang barangay na nakahabilin sa iba’t ibang bahay sa lugar.

Pin It on Pinterest