Isa sa pinagmamalaking tourist attraction sa Guinayangan Quezon, nilapastangan
Kinondena ng Lokal na pamahalaan ng Guinayangan Quezon ang paglapastangan sa isa sa pinagmamalaking tourist attraction sa nasabing bayan.
Kamakailan lamang ay ilang kabataan ang nag-vandalism sa Mangrove Boardwalk sa bayan ng Guinayangan.
Agaran naman itong inaksyonan ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Senior Tourism Operation Officer Mrs. Delta Pujalte.
Kaya’t agad na nakilala ang mga kabataang nag bandalismo at pinag-community service sila bilang pagtutuwid sa kanilang kamalian.
Ang “vandalism” ay isang uri ng kawalang paggalang at respeto kaya sana ay maging aral ito sa mga kabataan at mamamayan, na mahalin at alagaan ang kapaligiran.
Hangad naman ni Punong Bayan Hon. Maden Isaac sa kanyang nasasakupan na mahalin at ingatan ang natatanging yaman ng bayan ng Guinayangan, Quezon.