News

53 Tayabasin na kinakapos sa panggastos, tumanggap ng ayuda sa lokal na pamahalaan

Umabot sa limampu’t tatlong indibidwal na dumaraan sa kakapusan ng pangtustos sa pambili ng gamot, gatas ng sanggol at pampalibing ng namayapang kamag-anak ang tumanggap ng Aid for Individuals in Crisis Situation o AICS sa ginawang pay-out sa Lungsod ng Tayabas nitong Lunes, November 14.

Pinangunahan ni City Mayor Lovely Reynoso-Pontioso kasama si CSWDO Irma Ilocario sa pamimigay ng tulong sa mga kinakapos na Tayabasin sa ginawang pay-out sa Casa Communidad.

Ayon sa Tayabas LGU, ang pagtulong sa mga nangangailangang mamamayan ay bahagi raw ng Serbisyong Reynoso bilang pagmamalasakit sa mga nahihirapang kababayan.

Ayon pa sa lokal na pamahalaan, paglipas ng anim na buwan ay maaari silang muling mag-asikaso ng paghingi ng ayuda sa CSWDO kung patuloy na mangangailangan.

Sa kabuuan, umabot sa P173,300.00 ang ipinamigay na ayuda na kung saan ito ay binubuo ng 13 para sa mga Senior Citizen Burial Assistance beneficiaries, 2 para sa Milk Assistance habang 28 ay para naman sa Medical Assistance at 10 na Medical Assistance para sa Senior Citizen.

Pin It on Pinterest