Isang bangkay ng lalaki natagpuan sa gilid ng highway sa Tayabas City.
Isa na namang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa gilid ng highway sa Lalawiga ng Quezon sa Lungsod naman ng Tayabas nitong Martes pa rin ng umaga, January 17.
Ayon kay PLTCOL. Bonna Obmerga, ang hepe ng Tayabas PNP, bandang alas-9:00 ng umaga nang madiskubre ng isang concerned citizen ang bangkay sa gilid ng By Pass Road, Barangay Mateuna sa Lungsod ng Tayabas.
“May isa pong lalaki na iihi sana by stander, iihi 9:00 o’clock tapos Nakita niya yung patay yung lalaking nakabulagta don sa may sagingan Brgy. Mateuna after po Makita niya agad pong nagreport sa Brgy. Tanod at ang Brgy. Tanod po ang nagreport dito sa atin sa istasyon”.
Kinilala ng Tayabas PNP ang biktima na si Louie De Vera, 36-anyos at residente ng Phase 2 Greenhills, Brgy. Market View, Lucena City.
Sa inisyal na imbestigasyon, natuklasan na may tama ng bala ang biktima sa ulo at ito ay nakabalot ng packaging tape ang ulo, balikat at mga paa.
“May tali ang kamay sa likod naka-tape tapos yung katawan niya pati ang ulo binalutan po ng tape”.
Binanggit din ni Obmerga na kinumpirma raw ng pamilya ng biktima na ang natagpuan namang bangkay na lalaki na nakahandusay sa tabing kalsada ng Eco Tourism Road Sitio Bagong Pook, Barangay Talaan Aplaya, Sariaya, Quezon noong araw ding iyon ay kaibigan ng biktima na kapwa residente ng naturang barangay.
Dati na raw nakulong ang biktimang si De Vera dahil sa paglabag sa iligal na droga.
“Upon interview po sa Family pinakita natin yung picture yung Nakita sa Sariaya ay magkaibigan parehas taga roon sa Market View”.
Ito na ang ikalawang bangkay na nakita sa gilid ng mga highway sa lalawigan ng Quezon sa loob ng isang araw.