Mga child development center ng 9 na barangay sa Lucena City, kinilala ng DSWD 4-A
Siyam na barangay sa Lucena City ang tumanggap ng certificate of appreciation mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 4-A CALABARZON para sa kanilang ipinakitang suporta at mahusay na paggampan sa pagpapatupad ng kanilang mga early development center-based program.
Kinilala ng nasabing ahensya ang Barangay 1, Barangay Gulang-Gulang, Barangay Bocohan, Barangay Ilayang Iyam, Barangay Market View, Barangay Isabang, Barangay Kanlurang Mayao at Barangay Ibabang Iyam, Lucena City.
Ayon sa DSWD 4-A, ang mga child development center ng mga barangay na ito ay ang mga nakapagpatupad ng mahuhay sa programa pagdating sa child development.
Umaga ng January 16, 2023 sa flag-raising ceremony ng lokal na pamahalaan, tinanggap ng mga barangay captain ang pagkilala mula sa mga kinatawan ng DSWD 4-A.
Pinasalamatan ng DSWD ang mga child development workers sa kanilang dedikasyon sa paggampan sa kanilang mga tungkulin sa paglinang ng mga kakayanan at kaalaman ng mga batang Lucenahin.
Dalawa sa child development center sa Barangay Ibabang Iyam ang tumanggap ng recognition mula sa ahensya dahil sa natatangi nilang pagpapatupad ng mga programa.
Samantala, kinilala rin ng ahensya ang Lokal na Pamahalaan ng Lucena City bilang best implementer para sa supplementary feeding program sa taong 2020-2021. Bukod sa plake, tumanggap din ang LGU ng P6,840, 000 na magagamit sa patuloy na implemenstayon ng nasabing programa para sa taong 2023.