News

Tutok Kainan Supplementation Program, inilunsad sa Tayabas

Inilunsad kahapon ng lokal na pamahalaan ng Tayabas City ang Tutok Kainan Supplementation Program upang mapabuti ang kalidad nutrisyon ng mga benepisyaryo.

Nasa 150 mga bata mula sa lungsod ang sasailalim sa 180 araw ng Dietary Supplementation Program ng City Nutrition Office.

Walumpu’t tatlo dito ang mula sa Brgy. Isabang at animnapu’t pito ang buhat sa Brgy. Silangang Palale.

Dumalo sa aktibidad si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na siya ring nanguna sa pamamahagi ng mga vitamins sa mga beneficiaries.

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang probisyon ng dietary supplementation program (DSP) para sa mga batang edad 6-23 buwan at nutritionally-at-risk, mga buntis upang maiwasan ang stunting o pagkabansot ng mga bata sa kanilang unang 1000 araw.

Ayon sa National Nutrition Council, mahalaga ang unang 1,000 araw sa buhay ng bata na itinuturing na “Golden window” dahil ito ang panahon kung kailan dapat ibigay ang pangunahing kalusugan, nutrisyon, maagang edukasyon, at mga kaugnay na serbisyo upang matiyak ang pinakamabuting kalagayang pisikal at mental na pag-unlad ng isang bata.

Pin It on Pinterest